pa•re•híl : yerba (Petroselinum crispum) na may aro-matikong dahon na ginagamit na pampalasa sa pagkain
Parental Guidance (pa•rén•tal gáy• dans) : paalala na kailangan ang patnubay ng mga magulang sa isang batàng manonóod ng palabas sa sine o telebisyon o magbabasá sa internet
Parent Teacher Association (pé•rent tít•ser a•so•si•yéy•syon) : lokal na organisasyon ng mga magu-lang at guro upang mapaglapit sila at mapabuti ang pasilidad na pang-edukasyon at pampaaralan
pá•res 1: dalawang magkahawig at magkatulad na bagay para sa magkasámang paggamit 2: paghahati sa dala-dalawa.
pá•res-pá•res 1: laro sa baraha na pabilisan sa pagkuha ng tatlong magkakapares na numero 2: pára-pára 3: dalá-daláhan 4: dalawang ulam na order.
parfait (par•féy) 1: sorbetes at prutas o sorbetes at sírup na isina-ayos nang papalit-palit, karaniwang tinatampukan ng whipped cream, at inihahanda bílang panghimagas 2: pinatigas na whip cream at itlog na may iba-ibang pampalasa.
pa•rí•a : maliit na punong-kahoy (Myristica simiarum), may biluhaba at balahibuhing kumpol na bulaklak, at nakukunan ng langis na gamot sa pangangati o sakít sa balát