pa•ta•ním 1: nauukol sa pagtatanim sa bukid na pag-aari ng iba 2: nauukol sa tanim na itinatanim para sa iba
pa•ta•tág 1: anumang ginagamit upang maging matibay ang isang balangkas 2: instrumentong yari sa buho, ipinapa-lò sa palad, at may tunog na tulad ng gangsa.
pa•tá•tas 1: halámang-ugat (Solanum tuberosum) na magaspang ang dahon, maliliit ang magkabilâng gilid ng tangkay, hugis bituin ang talulot na putî o lila, at nakakain ang bunga 2: medyas na mabaho at marumi ngunit isinusuot pa rin.
pá•taw 1: imposisyón1 2: balásto 3: dagdag na tubò sa salaping inutang 4: pagpoposas sa dalawang maysala 5: karagda-gang parusa o pahirap 6: grabá-men, gaya sa ari-arian 7: kahoy o kawayan na itinatali sa dulo ng lubid at ang kabilang dulo naman ay sa katawan ng hayop o tao 8: mga biyás ng kawayan na may mga kawíl na nakasabit at inilalagay sa ilog o dagat 9: bóya.
pa•tá•wag 1: pata-lastas o utos upang humarap sa hukuman ang sinumang tao na may kinalaman sa kaso 2: kasulatan na naglalaman nitó