pa•tén•te : pribilehiyong ipinagkaloob ng pamahalan sa sinu-man upang magkaroon ng sariling karapatang gumawâ o magbilí ng anumang inimbento o nilikha
pa•tér•na•lís•mo : sistema ng prinsipyo o pagsasanay ng pagha-wak o pagsakop sa indibidwal, ne-gosyo, bansa, at iba pa, sa pamama-gitan ng ama sa kaniyang anak
pa•ter•ni•dád 1: kalagayan ng pagiging ama 2: pag-tanggap o pagkuha mula sa isang ama 3: pinagmulan o ang pagiging awtor
pathogen (pá•to•dyén) : anumang nakapagdudulot ng sakít, gaya ng bakterya at iba pang mikro-organismo.
pa•ti- : pambuo ng pandiwa, kasá-ma ng mag-, nagsasaad ng kawalan ng kontrol sa sariling kalooban, hal patihulóg, patibuwál, patianód, patiwakál.
pa•tí : saka; katagang karaniwang gamit sa pagsang-ayon, pagdaragdag, o pag-sasáma, hal “Patí ako’y idinawit niya”.
pa•tì 1: sagot, karaniwan sa pag-tatálong tulad sa balagtasan 2: matatag at matibay sa hangarin o salita.