pá•wi-pa•wí•kan : baging (Hoya imbricata) na madagta at abu-hing lungti ang malukong na dahon na masinsin ang pagkakahilera sa isang tangkay.
pá•wis 1: maalat-alat at butil-butil na likidong lumalabas sa balát dahil sa init o pagod 2: ang namumuong singaw na bumaba-lot sa anumang sisidlan ng malamig o mainit na tubig 3: gawaing pi-naghirapang tapusin
páw•paw 1: ibong panggabí (Batrachostomus septimus) at kulisap ang pagkain 2: pu-gad o tirahan ng mga isda, palaka, at iba pa sa mababaw na tubigán 3: ibabaw na bahagi ng sinaing.
pá•ya 1: pagbibiláng o pagtutuos ng utang o iskor 2: kabuuang iskor o halaga 3: a markang nagpapakíta ng tiyak na bílang o bagay b bílang, gaya ng yunit 4: pag-inom nang walang tigil o patid.