pag-í•big 1: matinding pakiramdam o damdaming nag-uugnay, tulad ng sa magulang, anak, o kaibigan 2: malakíng interes o ligaya sa isang bagay 3: seksu-wal na pagnanasà o damdamin, o ang kasiyahang dulot nitó 4: malasákit para sa kapakanan ng iba
pa•gí•lid : sa punto ng artikulasyon, tunog na nanggagá-ling sa gilid ng dila hábang ito ay bahagyang nakadampi sa ngalanga-la, gaya ng sa katinig na l
pa•gin•da•pá•tin 1: tanggapin o tumulong na tanggapin ng iba 2: bigyan ng ma-buting pagsasaalang-alang.
pag-í•nit 1: paglitáw ng araw, lalo na matapos ang ulan 2: pagkakaroon ng init, hal pag-init dahil sa apoy o pag-init dahil sa lagnat 3: pagkakaroon ng matinding pag-uusap o pagtatálo.
pag-i•ní•tan 1: ga-mitin ang kaldero, kaserola, at katulad para mag-init ng pagkain o tubig sa kalan 2: maging tuon ng galit.