pa•gí•tan 1: puwang na nása gitna ng dalawang bagay 2: halang na humahati sa anuman 3: bisà ng pagkakaiba o salungatan ng dalawang katangian o katayuan.
pa•git•na•án 1: maglagay ng isang bagay sa gitnâ 2: ilagay ang sarili sa gitnâ o pagitan 3: maglagay ng palamutî sa gitnâ, hal sa gitnâ ng mesa.
pag•ká- 1: pambuo ng pangnga-lan upang tumukoy sa esensiya o kalikasan, hal pagkatao, pagkamaing-gitin 2: pambuo ng pang-abay at tumutukoy sa panahon pagkatapos maganap ang kilos sa salitâng-ugat, hal pagkahulog, pagkaulan, pagkaka-in 3: inuulit ang -ka-, pambuo ng pangngalan at tumutukoy sa paraan ng isang pangyayari, hal pagkakaluto, pagkakasabi, pagkakakuwento.
pag•ka•bú•hay 1: paraan para mabúhay o bagay na pinanggagalingan ng ikinabubúhay 2: kung sa negosyo, pagkakaroon ng búhay o ng tagumpay 3: sa mala-king titik, Salubong.
pag•ká•in : anumang mahalagang substance na kinakain o iniinom upang magbigay ng lakas at sustansiya sa katawan
pag•ka•ká•i•sá 1: kalagayan ng pagkakaroon ng isa o magkabuklod na kagustuhan at palagay 2: pagkakasundo ng mga layunin, damdamin, at iba pa ng dalawa o higit pang tao