pí•rol 1: pagkawag ng katawan, tulad kapag ang mga babae ay galit o kumekembot 2: pagbaluktot paharap hábang nakalagay ang mga kamay sa tiyan.
pí•ro•tek•ní•ya 1: ang sining ng paggawâ ng mga paputok 2: ang dis-play ng mga paputok 3: anumang maningning at makulay na display
pir•pír 1: pagputol ng mala-laking sanga ng kahoy o kawayan 2: uri ng sisidlan na mayroong sampu o labing-apat na kaban 3: pagputol nang pahaba.