pi•sâ 1: pagdiin upang lumabas ang dugo o nana, gaya sa pagpisâ ng pasò o sugat 2: pagkabiyak at paglabas ng anumang nása loob nitó, gaya ng pagpisâ ng itlog, at paglabas ng sisiw 3: pagkadurog o pagkapitpit
pi•sák 1: pagkabulag ng isa o dalawang matá 2: pagkabulag ng isa o dalawang matá 3: putik 4: pusikit 5: lambák1.
pí•san 1: pagsáma o paninirahan sa isang pook o isang tahanan 2: varyant ng pinsan 3: pamimilí nang pakyawan
pi•sá•ra 1: karton na sinusulatan ng tsok, karaniwang itim o lungti, at ginagamit sa paaralan 2: bato na mangasul-ngasul na itim, madaling hatiin sa maliliit at maninipis na piraso.