pi•yíng 1: mahigpit na buhol 2: gilid ng bundok o daan 3: pagsa-sara ng bútas ng tainga o ng malalim na sugat.
pi•yó 1: pagsirà 2: pagpilí sa behuko upang lumikha ng lubid 3: paggulo ng hangin sa mga sanga ng punongkahoy.
pi•yô : pabálik-bálik na karamdaman na nagdudulot ng kirot sa mga kasukasuan lalo na sa paa at kamay at bunga ng labis na uric acid sa dugo
pi•yók 1: pagbaligtad ng layag, o pag-iba ng direksiyon nitó dahil sa bagong hihip ng hangin 2: hindi sinasadyang pagkabásag ng tinig hábang umaawit 3: pag-amin sa kasalanan 4: pagbubunyag ng lihim 5: ingay ng manok, lalo kapag balisá o nasasaktan
pi•yu•da•lís•mo : sistemang pangkabuhayan, pampo-litika, at panlipunan sa Europa noong Edad Medya na nakabatay sa relas-yon ng panginoong may-ari ng lupa at ng basalyong pinahihintulutang magsaka ng lupa kapalit ng mga serbisyo sa panginoon
pizza (pít•za) : sapád na pie na nagmula sa Italya, may mga sangkap na salsa ng kamatis at iba pang pampalasa sa ibabaw.
pizzeria (pít•si•rí•ya) : pana-derya o katulad, karaniwang pinagti-tindahan o pinaggagawaan ng pizza.
placebo (pla•sí•bo) 1: a Med pildoras, gamot, at iba pang inirereseta para sa dahilang sikolohiko sa halip na epektong pisyolohiko b walang bisàng sangkap na ginagamit bílang kontrol sa pagsubok sa bagong droga, at iba pa 2: anumang sinabi o ginawa upang payapain o patawanin ang tao ngunit hindi tumutugon sa ugat ng kaniyang pagkabagabag 3: sa Katoliko Romano, pambu-ngad na awit para sa patay.
placemat (pléys•mat) : kagamitang pangkusina, gawâ sa tela, plastik, o katulad, at pinagpa-patungan ng plato.