plán•ta 1: pook o gusaling kinapapalooban ng mga aparato, kagamitan, at iba pa na pawang kaila-ngan sa negosyong pang-industriya 2: ang kompletong kagamitan o aparato para sa partikular na proseso o operasyong mekanikal
plantain (plán•teyn) : anumang haláman (genus Plantago) na may malalaki at kalát na dahong halos sumayad sa lupa, at may maliliit na bulaklak.
plán•tas•yón : malawak na bukirin na inilaan upang pagtamnan ng mga halámang gaya ng tabako, bulak, at kape
plán•ter 1: tao na nagtatanim 2: kasangkapan o mákiná sa pagtatanim ng mga butó 3: may-ari ng plantasyon 4: sisidlan na iba-iba ang sukat, pinalamutian, at para sa mga haláman.
plan•tíl•ya 1: talaan ng mga pinunò, kawani, o mangga-gawà, kasáma ang kanilang tungkulin at suweldo 2: bahagi ng sapatos na pansapin sa paa.
plán•tsa 1: kasang-kapang pinaiinit sa pamamagitan ng koryente o bága, ginagamit sa pag-unat ng mga gusot, gaya sa tela, papel, at katulad 2: manipis na piraso ng metal, karaniwang ginagamit sa paglilimbag
plán•tsu•wé•la : metal na ginagamit sa pagkakabit ng poste sa piyer upang manatili ito sa pagkakatayô.
pla•sé : tumutukoy sa isang kabayo na nanalo ng pangalawang puwesto sa karera o sa premyo na iginagawad sa ganitong puwesto.
plás•kard : karton o kartolinang may mga salita, numero, o larawan na ipinakikíta sa mga pagsasanay sa paaralan
plás•layt : de-bateryang kagamitan na may bom-bilya at tatangnan, ginagamit na pantanglaw kung madilim