pag•pa•pa•ha•yág 1: paraan ng pag-sasabi ng panig o opinyon 2: paraan upang ipaalam sa madlâ ang isang bagay.
pag•pa•pa•ka- : pambuo ng pang-ngalan, mula sa pandiwang nása anyong magpaka- at nangangahulu-gan ng pagsubok sa isang bagay na mahirap gawin, hal pagpapakabuti, pagpapakagalíng.
pag•pa•pa•ka•ma•táy 1: sadyang pagkitil sa sariling búhay 2: anumang kilos na ikapapahamak ng sarili 3: operasyong lubhang mapanganib
pag•pa•pa•ki•lá•la 1: pagpapakíta ng sarili o ng sariling layunin at gawain 2: pagbibigay ng impormas-yon hinggil sa isang tao, pook, o bagong produkto
pag•pa•pa•kí•ta 1: paglitaw gaya ng multo, sa harap ng sinuman 2: paglilitaw o pagtatanghal ng isang bagay sa sinuman o sa madlâ.
pag•pa•pa•ki•tang-gí•las : pagpapahanga sa ibang tao sa pamamagitan ng hindi kailangang pagpapakita ng kaka-yahan
pág•pa•pa•la•gá•nap 1: kilos o paraan ng pagpapabatid ng isang kaalaman sa pinakamaraming tao o sa pinalawak na pook 2: paraan ng pagkilos upang makakuha ng maraming kasapi at tagatangkilik para sa isang simulain o gawain
pag•pa•pa•lí•pas : paghihintay ng panahon para mawalan ng bisà ang isang bagay o humina ang tindi ng isang bagay
pag•pa•pa•li•wá•nag 1: paliwanag 2: paraan ng pagdudulot ng liwanag o ng higit pang liwanag sa isang silid o pook.
pag•pa•pa•lu•sót 1: pagpapahintulot na makaraan sa isang checkpoint 2: kilos upang tumagos ang isang bagay mula sa isang rabaw túngo sa kabilâng rabaw 3: paggawâ ng dahilan upang hindi mahuli sa ginawang kasalanan o upang mailingid ang kasalanan.