pág•pag : awit na bi-nubuo ng tatlong nota at inaawit ng mga babae, karaniwang hábang nag-babayo ng palay.
pag•pa•ki•tá•han 1: ipakíta ang isang bagay sa isang tao 2: patunayan ang isang bagay sa pamamagitan ng isang ha-limbawa.
pag•pa•pa- : pambuo ng pangnga-lan, mula sa pandiwang nása anyong magpa- at nangangahulugan ng paraan sa paggawâ ng isang bagay, hal pagpapadalá, pagpapatubò.
pag•pa•pa•ba•yà : pag-iwan o pagiging kulang sa was-tong pangangalaga at pag-iingat sa tungkulin o gawain
pag•pá•pa•ha•la•gá 1: pagkilála at pagtatamasa sa magandang katangian ng isang tao o bagay 2: pagpapasa-lamat para sa isang bagay 3: matalik na pag-unawa sa halagang pansining o kasiningan ng isang bagay 4: sulatín na nagpapa-hayag ng pagkilála, pag-unawa, o pagpapasalamat