pu•nòng-a•ba•lá 1: tao na may handa o namamahala sa anumang pagtitipon o kasayahan 2: tao na nagbibigay ng parangal.
pu•nòng-him•pí•lan 1: ang gusali o pook para sa isang punòng militar , at mga tau-han nitó 2: gusali o pook na nagsisilbing sentro sa pamamahala ng isang organisasyon
pu•nòng•ká•hoy : halámang nabubúhay nang ilang taon, makahoy, may panguna-hing katawan o punò, iba-iba ang taas, at karaniwang tinutubuan ng mga sanga at dahon na may distan-siya mula sa lupang pinag-uugatan nitó
pun•sól : kasangkapang ginagamit sa malalim na pagbabaón ng pakò upang hindi tamaan ng ulo ng mar-tilyo ang rabaw ng tabla.
pun•són 1: kasang-kapang pambútas 2: tatak sa mámahá-ling metal na nagpapakíta kung sino ang gumawâ o saan ginawâ ang produkto.