pu•wér•to 1: pook na nagpapahintulot sa paglabas o pagpasok ng mga tao at kalakal sa isang bansa 2: pagbuka ng puke, gaya sa panga-nganak
pú-wik : ibong mandaragit (Elanus caeraleus), kauri ng kite, na kulay abuhin ang pakpak at balahibo at may buntot na parang tagdan.
pu•wít 1: bahagi ng katawan na lumalapat kung umuupô 2: bútas na labásan ng tae 3: hulihán, gaya sa puwít ng kotse 4: ilalim, gaya sa puwit ng isang sisid-lan.