• rosaniline (ro•zán•i•lín)
    png | Kem | [ Ing ]
    1:
    puláng tina (C20H20N3Cl) na mula sa aniline
    2:
    a organikong base na mula sa aniline b puláng tina na mu-la rito
  • rosary (rów•sa•rí)
    png | [ Ing ]
  • ro•sár•yo
    png | [ Esp rosario ]
    1:
    sa Kato-liko Romano, a anyo ng debosyon na inuulit ang lima o labinlimang “Aba Ginoong Maria” na ang bawat yugto ay pinasisimulan ng “Ama Namin” at sinusundan ng “Luwalhati sa Ama” b kuwintas na may mga bu-til na ginagamit na pambílang sa mga dasal c aklat na naglalamán ng gani-tong debosyon
    2:
    katulad na kuwintas ng mga butil na ginagamit sa pagdarasal ng ibang simbahan
    3:
    hardin ng rosas o rosebed
  • ró•sas
    png | [ Esp rósa+s ]
    1:
    palumpong (genus Rosa, family Rosa-ceae) na matinik at karaniwang may mabangong bulaklak, karaniwang pulá, dilaw, pink, at katulad, mala-ganap sa Amerika, Africa, at Asia, at may mga banyagang hybrid na ina-alagaan sa Filipinas maliban sa ka-tutubòng Rosa philippinensis
    2:
    bulaklak nitó
    3:
    na-mumulaklak na haláman na kahawig nitó
    4:
    palamuting may hugis na katulad o nagpapahiwatig ng ga-nitong bulaklak
    5:
    katangi-tanging tao o bagay, lalo na ang isang magandang babae
  • ró•sas
    pnr | [ Esp rósa+s ]
    1:
    a mapusyaw na kulay pulá b kutis na mamula-mula
    2:
    kulay pink
  • ró•sas-ha•pón
    png | Bot | [ Esp rosas Japon ]
  • rose (rowz)
    png pnr | [ Ing ]
  • ro•sé
    png | [ Fre ]
    :
    alak na hindi gaanong nakalalasing, may mamula-mulang kulay na dulot ng pagkatanggal ng balát ng ubas bago matapos ang per-mentasyon
  • rosella (ro•zél•a)
    png | Zoo | [ Ing ]
    :
    uri ng párakít (genus Platycercus) na malakí at matatagpuan sa Australia at New Zealand
  • rosemary (rówz•mar•í)
    png | Bot | [ Ing ]
    1:
    palumpong (Rosmarinus officina-lis) na laging-lungti, mabango, may makitid na dahon, at ginagamit na pampalasa o sa paggawâ ng gamot at pabango
    2:
    tradisyonal na sagisag ng pagkaalaala
  • rose moss (rows mos)
    png | Bot | [ Ing ]
    :
    vietnam rose
  • roseola (ro•zé•o•lá)
    png | Med | [ Ing ]
    :
    mamula-mulang pantal na dulot ng tigdas, típus, sípilís, at katulad na sakít
  • ro•sé•ta
    png | [ Esp ]
    1:
    anumang ka-ayusan, bahagi, bagay o pormasyon na kahawig ng rosas
    2:
    hugis rosas na ayos ng laso o katulad na materyales, karaniwang ginagamit na palamuti o badge
    3:
    inukit o hinubog na palamuti na ka-hawig ng rosas
    4:
    hugis bulaklak ng rosas na ayos o tubò ng mga dahon
    5:
    sapád na ulo ng tornilyo o pakò
    6:
    sakít ng haláman na nagdudulot ng pagsisiksikan ng mga dahon sa pa-bilog na pumpon dahil sa pag-ikli ng mga bahaging nása pagitan ng mga sanga, dulot karaniwan ng funggus, virus, o kakulangan sa sustansiya
    7:
    isa sa mga batík ng leopardo
  • rosette (ro•zét)
    pnr | [ Ing ]
  • rosin (róz•in)
    png | Kem | [ Ing ]
    :
    manilaw-nilaw, matigas, malutong, at buhag-hag na resin na natitira pagkaraan ng distilasyon ng agwaras na mula sa punò ng pino, karaniwang ginagamit na panghalo sa pintura, pamahid sa panghilis ng instrumentong may bag-ting tulad ng biyolin, at sa paggawâ ng barnis
  • rós•kas
    png | Mek | [ Esp rosca ]
    :
    paikot na ngipin sa katawan ng tornílyo, piyérno, tuwérka, túbo, o anumang bagay para mapaikot o mahigpitan ito
  • ros•kíl•yo
    png | [ Esp rosquillo ]
    :
    uri ng tinapay na malutong
  • rostrillo (ros•tríl•yo)
    png | [ Esp ]
    :
    pari-habâng palamuti; sumasagisag sa li-wanag, inilalagay sa mukha ng ima-hen ni Birheng Maria
  • rós•tro
    png | [ Esp ]
    :
    mukha ng imahen na inukit sa garing
  • rós•trum
    png | [ Ing ]
    1:
    anumang plata-porma, entablado, o katulad para sa pananalitang pampubliko
    3:
    tíla tukang nakaungos na bahagi ng prowa, karaniwan ng barkong pandigma na ginagamit na pambútas sa kalabang barko
    4:
    tuka o bahaging kahawig ng tukâ; matigas na sungot