Saxon (sák•son) 1: kasapi ng sinaunang pangkating etniko sa hilagang Germany at sumakop sa timog Britain 2: wika ng pangkating ito 3: elementong German ng wikang Ingles
sá•yad 1: pagdampi ng dulo ng isang bagay sa rabaw ng isa pang bagay, gaya ng pagdampi ng dulo ng sáya sa sahig 2: tao na sirâ ang ulo
sa•yáng : seremonya ng pagkatay ng baboy at pagwiwilig ng dugo nitó upang maging masagana ang ani o dumami ang mahuhúling isda
sá•yang 1: pag-aaksaya o pagpapalampas ng pagkakataon 2: pagdiriwang na panrelihiyon 3: pagdaraan nang hindi napapansin