scad (is•kád) : isdang-alat (family Carangidae) na makikíta sa mga tropikal at subtropikal na kara-gatan, karaniwang may pahabâng katawan at may hanay ng malalakíng kaliskis sa tagiliran
scaffold (is•káf•old) 1: a platapormang kahoy na nakataas at karaniwang ginagamit sa pagbitay ng mga kriminal b katulad na platapormang ginagamit sa pagpapatuyô ng tabako 2: pagpatay sa pamamagitan ng pagbitay 3: scaffolding 4: maglagay ng scaffolding
scaffolding (is•kaf•ól•ding) 1: a pansamantalang estruktura na gawâ sa kawayan, tabla, at katulad na ginagamit ng mga trabahador hábang gumagawâ o nag-aayos ng bahay b mga materyales na ginamit dito 2: pansamantalang balangkas na ginagamit sa paglikha ng mga teorya
scale (is•kéyl) 1: akyatin o umakyat 2: magpakíta o ipakíta sa dimensiyong proporsiyonal 3: tumimbang o timbangin