second wind (sé•kond wind) 1: pagbabalik ng normal na paghinga pagkaraan ng unang paghingal 2: panibagong lakas na ipagpatuloy ang gawain
secretariat (se•kre•tár•yat) 1: permanenteng tanggapan o sangay na pampangasiwaan 2: mga kasapi o kinalalagyan nitó 3: ang tanggapan ng kalihim
secretary of state (sek•re•tár•i of is•téyt) 1: sa United Kingdom, pinunò ng isang pangunahing sangay ng pamahalaan 2: sa United States, punòng opisyal na may tungkuling pangasiwaan ang ugnayang panlabas
secret ballot (sí•krit bá•lot) : halálan na líhim ang pagsasagawâ ng boto hal pagboto sa pamamagitan ng balota
secretion (si•krí•syon) 1: proseso ng paglikha at paglalabas ng substance mula sa cell, gland, o organ na may funsiyon para sa organismo, o para sa excretion 2: ang inilabas na substance 3: pagtatago o pagkukubli
secret society (sí•krit so•sáy•ti) : samahan na sumumpa ang mga kasapi na panatilihin itong lihim o lingid sa kaalaman ng iba