seal (sil) 1: selyo2 2: pandikit sa sisidlan, sobre, at iba pa 3: inukit na piraso ng metal, at katulad, para sa pagtatatak ng disenyo 4: substance o kasangkapang ginagamit sa pagtata-kip ng anumang bútas o síwang 5: kilos o pangyayaring nagbibigay ng garantiya sa isang bagay 6: kasunduan 7: matapat na pangako, lalo na ng isang eklesyastiko sa paglilihim ng impormasyon; obligasyon ng hindi pagbubunyag ng impormasyon 8: ampibyang mammal (order Pinnipedia) na kumakain ng isdang-dagat, may malapad at sapád na bisig, at paa na tíla magkakadikit ang mga daliri sa paa
sealant (sí•lant) : substance na ipinandidikit o ipinanseselyo upang hindi pasukin ng hangin o tubig ang isang kulob na bagay
sealer (sí•ler) 1: a kasangkapan o substance na ginagamit na pansara b tao na nagsasará ng mga sisidlan at iba pa 2: barko o tao na ginagamit sa pangangalap ng mga poka
sea level (si lé•vel) : pahalang na plane o pátag na may kaugnayan sa rabaw ng dagat na nagsisilbing batayan sa pagsukat ng taog at káti ng tubig
sea lily (si lí•li) : echinoderm (class Crinoidea) na kahawig ng lili, may mahabàng tangkay, at tíla balahibo ang mga galamay na ginagamit sa pangunguha ng pagkain
sea lion (si lá•yon) : seal (genus Zalophus o Otaria) na mata-tagpuan sa Pasipiko at may malalakíng tainga
seam (sim) 1: guhit ng dalawang pinagdugtong na tela, at katulad, karaniwan ng pantalon 2: suson ng uling, metal, at iba pa, na pumapagitan sa bató
seaman (sí•man) 1: marino2, lalo ang isang walang ranggo 2: tao na kinikilála batay sa kaniyang kasanayán sa paglalayag
search warrant (serts wár•ant) : opisyal na pahintulot upang pasukin at halughugin ang isang pook, bahay, o gusali