self-conscious (self-kón•syus) 1: labis na kamalayan sa sarili bílang tampulan ng pansin 2: málay sa sarili
self-defense (self-di•féns) : ang pagtatanggol sa sarili o sa sari-ling , interes, lalo na sa pamamagitan ng pisikal na lakas; sa ilang pagkakataon pinahihintulutan ito bílang tugon sa hablang marahas na krimen
self-denial (self-di•ná•yal) : pagwawaksi sa nasà o pangangaila-ngan ng sarili, lalo na at laán sa kabutihan ng kapuwa
self-destruct (self-dis•trákt) : mawasak nang kusa, lalo na ang mga bomba o instrumento na sinadyang magkagayon
self-determination (self-di•tér•mi• néy•syon) 1: karapatan ng bansa na itakda ang sariling pamahalaan, o kabuhayan 2: kakayahang kumilos nang malaya
self-help 1: teorya na nagpapahayag na dapat itaguyod ng indibidwal ang sarili at paunlarin ang lipunan 2: kakayahang pangalagaan o paunlarin ang sariling búhay
self-perpetuating (self-per•pét•yu•wéy•ting) : patúloy na napaiiral o napararami ang sarili nang walang panghihimasok mula sa labas
self-pollination (self-pól•i•néy•syon) : polinisasyon ng bulak-lak mula sa pollen ng haláman ding iyon
self-portrait (self-pór•trit) : larawan o paglalarawan ng isang pintor o manunulat sa kaniyang sarili
self-preservation (self-préz•er•véy• syon) 1: pangangalaga o pagsanggaláng sa sariling búhay, kaligtasan, at iba pa 2: batayang kalikasan ng tao o hayop na itaguyod ito