seltzer (sélt•ser) 1: tubig na mineral at medisinal mula sa Nieder Selters sa Germany 2: anumang komersiyal na panghalili dito
sél•yo 1: ang idinidikit sa sobre ng sulat at tanda ng kabayaran ng paghahatid sa koreo 2: marka na ikinakabit bílang palatandaan ng pahintulot
se•má•po•ró : paraan ng paghahatid ng mga mensahe sa pamamagitan ng pagpoposisyon ng mga braso o bandera sa mga tiyak na puwesto sang-ayon sa kodigong ibinatay sa alpabeto
se•mén•to : kulay abong pulbos na gawâ sa apog at luad at hinahaluan ng tubig upang makabuo ng kongkreto