sage (seydz) 1: paham1 2: a Bot palumpong (Salvia officinalis) na may dahong abuhing lungti b ang dahon nitó na ginagamit sa pagkain
sá•gi 1: pagtakas sa pamamagitan ng paggawa ng bútas sa bahay o bakod 2: pagdagit ng gabilan sa manok 3: pagtahak sa isang pook sa paraang naninirà o nagbu-bukás ng daan
sa•gi•bád•bad : katutubòng gitara na gawâ sa hungkag, magaan ngunit matibay na tabla, at may kuwerdas na gawâ sa himaymay na abaka, yantok, at bislig