sa•gá•ak 1: malakas na halakhak 2: tunog na nalilikha ng nabibi-yak na kahoy o kawayan, ginto, ube, o hilaw na karne
sa•gád 1: nakabaón hanggang sa puluhán 2: tagós 3: dalubhasa 4: madalas 5: kung halaman, pinutol hanggang ugat; kung buhok, pinutol nang napakaikli
sá•gad 1: basket na yarì sa yantok 2: pag-uulit, gaya ng sa panalangin 3: walis 4: kalad-kad1 o pagkaladkad 5: sigin1
sa•ga•kán 1: dikín 2: baát 3: tumutukoy din sa bao na ginagamit sa pag-inom, tapayan na may hawakán, o biniyak na kawayan na ginagamit na tagayan ng alak
sa•gá•la : mga pilíng dalaga o dalagita na itinatampok bílang reyna o abay sa prusisyon, parada, at iba pang pagdiriwang