sag•rár•yo 1: komunidad ng diyakono, pari, at obispo 2: santuwaryo ng simbahan 3: silid sa bahay na naglalamán ng mga bagay na itinuturing na banál
sag•ság 1: lumakad nang nagmamadali 2: magbakbak o bakbakin 3: sirain sa pamamagitan ng pagpalò at pagbugbog 4: magtadtad o tadtarin 5: pagtapatán
sag•ság 1: lumulundô sanhi ng hindi normal na bigat, lambot, o kawalan ng lamán 2: bumababâ gaya ng pang-itaas na butò 3: hindi tuluyang napútol nang pahabâ
ság•sag 1: paghati ng isang bagay mula sa itaas patungo sa ibabâ 2: pagbiyak ng kawayan nang pahabâ at napakanipis 3: paglubog ng isang bagay na matulis 4: lakas o dami ng isang bagay, mula dito ang kasagsagán 5: patpát1
sa•gun•són 1: maayos na pagkasalansan ng mga patag na bagay na may magkakatulad na lakí 2: malagong mga dahon ng punong-kahoy na magkakatulad at maayos ang pagtubò 3: tuloy-tuloy na pagtaas
sa•gu•pà 1: biglaang pagtatagpo at paglalaban ng dalawang panig 2: pagharap sa mapanganib na sitwasyon, hal pagsagupa sa malakíng alon, pagsagupa sa bagyo