sá•hib 1: sa India, tawag sa mga laláking mula sa Europa at inilalagay sa hulihán ng pangalan 2: tao na maginoo
sa•híg 1: bahagi ng silid, bulwagan, o katulad na bumubuo sa patag na rabaw na karaniwang nilalakaran 2: anumang patag at sumasalalay na rabaw ng isang estruktura
sá•hing 1: punongkahoy (genus Pinus) na tumataas hanggang 35 m at may malagkit at madaling magliyab na dagta 2: tawag sa dagta na hindi nalulusaw sa tubig, madaling magliyab, at ginagamit ngayon sa paggawa ng barnis, tinta, plastik, at medisina 3: luad na inilalatag sa bolang bakal at idinadarang sa apoy upang magkadisenyo ang alahas
sá•hol 1: kusang-loob ng may-ari ng lupain na ipagbili nang mura ang lupa 2: kusang-loob na matalo sa demanda 3: pagtitinda nang walang kíta