snowball (is•nów•bol) 1: niyebe na siniksik upang magkahugis bola na karaniwang ginagamit kapag naglalaro 2: anumang lumalago o dumarami nang mabilis tulad ng bo-lang niyebe na gumugulong
snowfall (is•nów•fol) 1: pagbagsak ng niyebe 2: sa meteorolohiya, ang dami ng niyebe na bumagsak sa isang okasyon o sa isang pook sa loob ng isang panahon
snowflake (is•nów•fleyk) 1: tiklap ng niyebe, lalo na ang kristal na yelo na may animang tupîng simetriko 2: a Bot halámang bulbo (genus Leucojum) na katulad ng tiklap ng niyebe ngunit may higit na malakíng bulaklak b tawag sa putî nitóng bulaklak
snow goose (is•nów gus) : uri ng gansa (Anser caerulescens) mula sa Arctic, putî, at may batik na itim ang dulo ng pakpak
snow leopard (is•nów lé•pard) : uri ng pusa (Panthera uncia) na malakí at bibihira, pinilakan ang balahibo, may batik na itim, at matatagpuan sa gitnang Asya
snow partridge (is•nów pár•trids) : uri ng pugo (Lerwa lerwa) na putî at itim, at makikíta lámang sa Himalayas
snowplough (is•nów•plow) 1: kasangkapan o sasakyang ginagamit sa pag-aalis ng makakapal na niyebe sa kalye 2: ang galaw upang pahintuin ang ski
snowshoe (is•nów•syu) : kasangkapang sapád na ikinakabit sa bota upang makalakad sa niyebe nang hindi lumulubog