social realism (só•syal re•ya•líz•em) : uri ng realismo na tahasang pumupuna sa umiiral sa kaayusang panlipunan, pampolitika, at pangkabuhayan, hábang isinusulong o ipinagdiriwang ang karapatan ng mga manggagawà at ibang nása mababàng uri ng lipunan
social secretary (só•syal sek•re•tá•ri) : tao na nagsasaayos ng mga panlipunang gawain ng isang tao o organisasyon
social work (só•syal work) : organisadong gawain para sa pag-papabuti ng kalagayang panlipunan, gaya ng pagbibigay ng benepisyo sa mga nangangailangan
sociolinguistics (so•syo•ling•gwís•tiks) : pag-aaral ng wika at ng kaugnayan nitó sa mga panlipunang salik
socket (sá•ket) : kasangkapang tumatanggap o sinasaksakan ng plug, bombilya, at iba pa upang magkaroon ng ugnayan o koneksiyon