só•da wá•ter : tubig na ma-bulâ dahil sa halòng carbon dioxide at maaaring inumin nang walang halò o may alak
sodium (sód•yum) : metalikong element na malambot, reaktibo, at pinilakan (atomic number 11; symbol Na)
sodium bicarbonate (sód•yum bay• kár•bo•néyt) : pulbos (NaHCO3) na putî, natutúnaw, at gi-nagamit sa mga inuming bumubulâ, mga kasangkapang pamatay sunog, at pampaalsa sa pagluluto
sodium bromide (sód•yum bró•mayd) : solid na putî, krista-lina, natutunaw sa tubig, at ginagamit sa potograpiya bílang developer at sa paggawâ ng gamot
sodium carbonate (sód•yum kár•bo• néyt) : puting pulbos (Na2CO3) na ginagamit sa mga produktong komersiyal, gaya ng sabon
sodium nitrate (sód•yum náy•treyt) : compound na putî, pulbos, at ginagamit na patabâ (NaNO3) o dinamita
Só•dom : sa Bibliya, bayan na nása timog ng Dagat Pula at wina-sak ng apoy na mula sa langit, kasáma ang Gomorrah, dahil sa kasama-an ng mga naninirahan dito
so•do•mí•ya : pakikipagkarát sa pamamagitan ng pagpa-sok ng uten sa puwit, lalo na ng dala-wang laláki o ng isang tao at hayop
soft 1: kung sa katulad ng kutson, malambot 2: kung sa tulad ng boses, mahinà 3: kung sa rabaw, makinis 4: kung sa tulad ng ilaw, malamlam; malabo 5: kung sa tulad ng utang, pangmatagalan at mababà ang tubò 6: kung sa pagkain ng nagdidiyeta, walang asin
softball (sóf•bol) 1: pangkatang laro na katulad ng beysbol, bagaman higit na maliit ang palaruang hugis diyamante, at gumagamit ng higit na malakí at malambot na bola 2: bolang gamit sa larong ito