so•pís•mo 1: huwad na argumento na sadyang ginagamit upang makapanloko 2: ang doktrina o pama-maraan ng mga sopista
so•pís•ta 1: kasapi ng hulíng henerasyon ng mga pilosopong Griyego bago si Plato 2: sinumang tuso sa pakikipagtálo na gamit ang huwad na argumento
sop•rá•no 1: a pinakamataas na tinig b babae o lalaking mang-aawit na may ganitong tinig c ang bahaging isinulat para dito 2: instrumentong may pinakamataas na tono
sor•bé•tes 1: malamig at malapot na pagkain na hinaluan ng gatas, itlog, at mga lahok na gaya ng bungangkahoy at pampalasa 2: kakaníng malamig na mali-mit makítang inilalakò sa mga daan