sos•yál 1: panlipunan 2: nakikipag-ugnayan o nakiki-pagtulungan sa kapuwa; mapagkapuwa, magiliw, o mabuting makisáma 3: namumuhay sa organisadong komunidad 4: nagpapalahi o nagpupugad nang malapit sa mga kasáma 5: lumalago nang magkakasáma sa lupang kinatatamnan 6: paladalo sa mga pagtitipong panlipunan 7: kilalá sa lipunan
sós•ya•li•sas•yón 1: paglalagay sa ilalim ng panganga-siwa ng pamahalaan 2: pagbabago upang tumugma sa pa-ngangailangan ng isang panlipunang pangkat
sos•ya•lís•mo : teorya o sistema ng organisasyong panlipunan na nagtataguyod sa pagmamay-ari at kontrol ng estado sa produksiyon, kapital, lupa, at iba pa sa pangkalahatan
sós•yo 1: pagsasanib ng dalawa o higit pang tao upang mamuhunan 2: salaping isinapi sa anumang uri ng pamumuhunan
so•tá•na : damit ng pari, may mahabàng manggas, may pliyeges ang likod, at pinapatungan ng kasulya kung may misa
Só•to, Cris•sós•to•mó : (1867 1918) bantog na makata at manunulat, itinuturing na ama ng panitikang Kapampangan
soubrette (su•brét) 1: maliit na babaeng katulong o katulad na tauhan sa komedya 2: ang aktres na gumaganap nitó