souffle (suf•léy) 1: putahe ng binatíng putî ng itlog, malambot, at pino, may pampalasa, at inihuhurno 2: anumang putaheng may katamisan at malasa na gawâ sa binatíng putî ng itlog
soul music (sowl myú•sik) : uri ng musika ng mga Ameri-kanong Itim noong dekada 1950 at may pinaghalòng rythmn at blues, at ginagamit sa simbahan
sound (sawnd) 1: tunóg 2: tunog na likha ng tuloy-tuloy at regular na taginting 3: musika, talumpati, at iba pa na kasáma sa pelikula o anumang presentasyong biswal
sound barrier (sawnd bár•yer) : mataas na resistensiya ng ha-ngin sa sasakyang panghimpapawid at iba pa na gumagalaw sa tulin na halos simbilis ng hangin
soundboard (sáwnd•bord) : manipis na kahoy na kinasusu-otan ng mga kuwerdas ng piyano, at iba pang instrumentong may bagting
soundbox (sáwnd•baks) : hungkag na sisidlan o kahon na nagpapatunog at siyáng katawan ng ins-trumentong may bagting
sound effect (sawnd e•fék) : tunog na artipisyal na ginagawâ upang magpaganda sa pelikula, dula, at iba pa
sound engineer (sawnd ín•dyi•nír) : tao na namamahala sa mga kasangkapan para sa brodkast, rekording, at konsiyerto
sounding (sáwnd•ing) 1: pagsúkat o proseso ng pagsúkat sa lalim ng tubig, sa pamamagitan ng alingawngaw 2: rehiyon na malapit sa dalampasigan na may tamang lalim para sa pagsúkat
sound recording (sawnd re•kór•ding) 1: transkripsiyon ng habàng-alon túngo sa anumang imbakan 2: permanenteng rekord ng musika at iba pang tunog