su•ga•pà 1: lasenggo o lulong sa ipinagbabawal na gamot 2: maliit na lambat na karaniwang may mahabàng hawakán
sugar (syú•gar) 1: asukal 2: alinman sa mga pangkat ng mga carbohydrate na kristalina, matamis, natutunaw sa likido, at nakikíta sa mga haláman 3: matamis na pananalita
sugar-coated (syú•gar ków•ted) 1: hinggil sa mga pagkain na nababalutan ng asukal 2: ginawâng kaakit akit ang panlabas na anyo 3: labis na sentimental
sugar-daddy (syú•gar dá•di) : matandang laláki na nagbibigay ng labis na regalo sa babaeng malakí ang pagkabatà sa kaniya
sú•gat 1: anumang hiwa, gasgas, saksak, at iba pa sa katawan lalo na kung napinsala ang balát 2: anumang sakít ng damdamin; sa-mâ ng loob 3: libing 4: salubong1