sud•sód 1: matulis at bakal na bahagi ng araro na bumabaón at bumubungkal sa lupa kapag ginagamit 2: patulák na pagkayod ng anumang bagay na nakadikit
sud•yâ 1: tatsulok na bahagi ng tela na inilalagay sa layag o damit upang kumapal at maging masinsin 2: súwat o pagsúwat sa kapuwa na nagsisinungaling
Suez Canal (su•wéz ka•nál) : lagúsan ng mga barko na nag-uugnay sa Dagat Mediteraneo at Dagat Pulá; pinakamaikling ruta sa dagat, papunta at pabalik sa Europa at Asia