sú•long 1: kilos patúngo sa unahán o sa dakong nais marating at maabot 2: salakay 3: unlad 4: proseso2
su•lót 1: pagpapasok ng anuman sa bútas 2: sundot na pina-raraan sa bútas o siwang 3: pag-unti o pagliit, gaya sa sulot na ani 4: pagliligpit ng mesa matapos kumain 5: pagpapakò ng dalawang pinagpatong 6: paninirà sa kapuwa upang maalis sa gawain at mapalitan ng gumawâ ng paninirà
sul•pák 1: laruang baril-barilan ng batà 2: pagpapasok ng bagay na ma-tigas sa bútas 3: pagsusuot ng damit nang hindi namimilì 4: kasangkapang nagpapaningas ng apoy na may túbong yari sa sungay ng kalabaw, matigas na kahoy, garing, at iba pa