sul•sól 1: pagsasabi ng mga bagay na la-long ikagagalit ng sinabihan 2: pagpapaliyab o pagduldol ng apoy 3: pagpatay sa apoy ng kandila o sulo sa pama-magitan ng pagduldol sa lupa o pader
sul•tá•na 1: a pasas na walang butó at ginagamit sa paggawâ ng keyk, pudding, at iba pa b ubas na pinagmumulan nitó 2: ina, asawa, o anak na babae ng sultan
sul•ta•ná•to 1: teritoryo ng isang sultan 2: ang tanggapan, posisyon, o lawig ng pa-nunungkulan ng isang sultan
Sul•tán Ku•da•rát 1: bantog na lider Magindanaw na patuloy na nagtanggol laban sa kampanya ng mga Espanyol 2: lalawigan sa gitnang Mindanao ng Filipinas, Rehiyon XII
Su•lú : lalawigan sa Kanlurang Mindanao ng Filipinas, kabílang sa Autonomous Region of Muslim Mindanao