sú•rot : kulisap (Cimex lectularius) na nangangagat, sumisipsip ng dugo, kulay kape, at karaniwang nása singit ng káma, silya, at iba pang muwebles ng bahay
sú•rot 1: imostra o ipakíta ang anuman nang napaka-lapit sa mukha o matá ng kausap 2: iduldol ang anuman sa matá ng kapuwa
sur•re•a•lis•mo (sur•ya•lís•mo) : kilusang avant-garde nitóng ika-20 siglo na tumataliwas sa mga tanggap na realidad ng lipunan, nagpapahayag at nagpapakita ng subconscious, at mga hulagway na mula sa panaginip
sur•súr 1: pagkahúli sa isang tao na nagsisinungaling 2: pagbakbak sa pagkadikit tulad sa pagkit sa tabla 3: pinunò ng mga isda o uláng kapag lumalangoy nang magkaka-sáma