su•sô 1: alinman sa mga mollusk (class Gastro-poda) na mabagal gumalaw at may talukab na iba’t iba ang hugis 2: dahon ng saging kapag umuusbong pa lamang at hindi pa bumubukadkad
sú•so 1: harapán ng dibdib mulang leeg hanggang abdomen 2: gland na naglalabas ng gatas 3: pagsupsop ng sanggol ng gatas 4: paglikha ng níngas
sú•sog 1: maliit na pagbabago sa isang dokumento 2: pagtunton o pagsubaybay 3: paraan ng tabas ng damit 4: pagsisiyasat hinggil sa katotohanan
sus•pen•dé 1: pansamantalang patigilin o itigil 2: ilawit; ibitin 3: manatili sa pagitan ng itaas o ibabâ, gaya ng solidong bagay sa tubig var suspindi, suspinde
suspended animation (sus•pén•ded a•ni•méy•syon) : pansamantalang paghinto ng mahahalagang funsiyon ng katawan nang hindi namamatay