swab 1: maliit na piraso ng bulak, tela, at iba pa na ginagamit na pampahid, panlinis, o pangkuskos 2: tela na mabilis nakasisipsip ng likido at ginagamit sa pagtitistis
swan : ibon (genus Cyg-nus) na malakí, magalíng lumangoy, may mahabàng leeg, at karaniwang may plumaheng putîng putî
swán•song 1: ang káhulí-hulíhang akda, komposisyon, o pagtatanghal ng isang artist 2: anumang katulad na pamamaalam
swarm 1: kawan ng mga bubuyog na umaalis ng bahay upang maghanap ng bago 2: kawan ng mga kulisap 3: katakot-takot na dami
sweater (swé•ter) : kasuotang tinabas na kahawig ng jacket, kara-niwang may manggas, at ginagamit sa pag-eehersisyo para madalîng pawisan
sweatshirt (swét•syert) : sweater na cotton, maluwag, may ma-hahabàng manggas, at ginagamit sa isports o pamamasyal
sweatshop (swét•syap) : pook na may kondisyong hindi angkop sa pagtatrabaho, at may mga tauhang tumatanggap ng napakababàng sahod sa napakahabàng oras