su•wág 1: pag-ulos ng sungay ng hayop kapag galít 2: táog 3: uri ng sakít sa tiyan na kadalasang nararamdaman ng mga kababaihan 4: susi
su•wág-mat•síng : baging (Piper retrofractum) na may maikling dahon at may organ ng babae at lala-king haláman
su•wá•he : maliit na hipon (Metapenaeus ensis) na may maksimum na habàng umaabot sa 15 sm at bigat na 18 gm, may kulay na medyo abuhin at mga batik na kayumangging maitim, marami ang matatagpuan sa mababaw at medyo maalat na tubigan
sú•wak 1: pagiging biyak 2: pagpapakita ng kalahati ng katawan sa bintana 3: pagsasabuyan ng tubig kapag naliligo 4: paghukay sa isang bagay na ibinaón ng iba
su•wál 1: pagpapatikwas o pag-angat ng anu-man sa pamamagitan ng mahabàng bagay 2: pagtulak ng dulo ng dila sa loob ng bibig 3: patpat o kawayan na nakabaón sa lupa ngunit nakausli ang dulo at maaaring makasakit kapag natapakan 4: bagay na nagmumula sa puso 5: uri ng punongkahoy na tumutubò sa maalat-alát na tubig