sabbatical (sa•bá•ti•kál) 1: hinggil sa sabbath 2: sa maliit na titik, ukol sa panahon ng pamamahinga
sabbatical year (sa•bá•ti•kál yir) : sa paaralan, unibersidad, kole-hiyo, at katulad, pahintulot sa isang propesor upang mag-aral o maglak-bay, karaniwan tuwing ikapitong taon
sabertooth tiger (séy•ber•tút táy•ger) : anumang kabílang sa extinct na uri ng mga pusa (genus Felidae) na mula sa panahong Oligocene at Pleistocene, na may mahabà at tíla sableng mga pangil
sá•bi 1: salita o pa-ngungusap na binigkas 2: pag-babawal o pagsasabi sa isang tao ng dapat gawin o asalin 3: pagdadalá sa batà nang nakabitin sa balikat
sabicu (sa•bí•ku) 1: mati-gas na punongkahoy (Lysiloma latisiliqua) sa kanlurang India na ina-alagaan dahil sa tabla 2: tabla mula sa punòng ito
sa•bík 1: may masidhing paghahangad na kamtin o danasin ang isang bagay, karanasan, o kaisipan 2: matinding paghahangad na makíta o makaulayaw ang isang matagal nang hindi nakakasáma
sá•bi•lá : halámang ornamental at medisinal (Aloe barbadensis), tumataas nang 30-40 sm, dilaw ang bulaklak, at naipanggugugo ang katas, katutubò sa rehiyong Mediteraneo at kamakailan lámang ipinakilála sa Filipinas
sá•bing : patibong para sa isda gawâ sa sulihiyang kawayan, inilalagay nang patayô sa ilog, at may maliit na bukás na daanan