sá•bit 1: isang paraan ng pagbibitin na ikinakabit ang pang-itaas na bahagi sa dingding o pader sa pamamagitan ng pakò, tornilyo, at katulad 2: suliranin o hadlang sa ginagawâ 3: dáwag7
sa•bi•yák : kapansin-pansin, gaya ng mabangong bulaklak o ng punongkahoy na pantay-pantay ang mga sanga
sab•láy 1: hindi pagtama, gaya ng sablay na suntok o ulos 2: anumang inilalagay nang paalampay sa balikat, bílang bahagi ng pormal na kasuotan 3: tawag sa bánda na isinusuot nang pasablay sa katawan, gaya sa kasuotang akademiko sa Unibersidad ng Pilipinas na isinusuot sa ibabaw ng pormal na pananamit 4: blusang may manggas na hanggang baywang