sa•lím•bal : bangkang naghahatid sa kaluluwa ng mga tao túngo sa langit at naghahatid pabalik sa daigdig
sá•lim•bú•tang 1: kasuotang panlaláki na may maikling manggas, pabilóg ang kuwelyo, at isinusuot sa labanán at pangangabayo 2: balutìng gawâ sa abaka
sá•lin 1: paglipat mula sa isang sisidlan túngo sa iba 2: pagkopya ng isang bagay mula sa orihinal 3: pagtutum-bas sa isang salita, parirala, o pangungusap mula sa orihinal na wika patúngo sa ikalawang wika 4: pag-endoso ng isang dokumento mula sa isang tang-gapan túngo sa iba 5: pagbibigay ng isang katungkulan sa isa túngo sa iba bílang , promosyon sa trabaho o anu-mang katulad 6: pira-pirasong tanso na pinagtabasan 7: tíra-tíra 8: pagtatanim muli 9: sisidlan ng asin ayon kay Serrano-Laktaw
sa•lí•nat : maliit na palum-pong (Cephaloschefflera blancoi) na may kumpol na makikitid at patulis na dahon sa bawat tangkay, at may kumpol ng maliliit na bunga, katutubò sa mga gubat ng Luzon at Mindanao