sá•ling-bú•bog : mababàng punongkahoy (Crataeva religiosa) na tumataas nang 10 m at may bulaklak na maganda ngunit hindi kanais-nais ang amoy
sa•lin•la•hì 1: a isang pangkat ng mga buháy na nalikha at bumubuo sa isang hakbang ng pagsulong mula sa isang ninuno b pangkat ng mga tao na magkakapanahong ipinanganak at nabúhay c pangkat ng mga tao na may magkatulad na kalagayan o karanasan 2: panahon sa pagitan ng mga magulang at ng kanilang mga anak
sá•lip 1: titulong namamana ng sinumang mula sa angkan ng propetang si Muhammad 2: sayaw ng panliligaw