salmonella (sal•mo•né•la) 1: bakterya (genus Salmonella) na nagdudulot ng lason sa pagkain 2: pagkalason dahil sa pagkaing may salmonella
sa•ló 1: pagsapo ng mga kamay sa anumang mahuhulog, kinukuha, o lumilipad 2: kilos o paraan bílang tukod o salalay
sá•lok 1: hugis tása o hugis kutsarang sisidlan na may mahabà at tuwid na tatangnan at ginagamit na pangkuha ng tubig 2: ang paggamit ng sisidlan o ng kamay para kumuha ng tubig 3: igíb 4: panghúli ng isda na hugis salok
sá•lol, sa•lól : putî at kristalinang pulbos, HOC6H4CO OC6H5, na may aromatikong amoy, at ginagamit bílang konserbante