sal•tík : kasangkapang ginagamit para maghagis ng bató, karaniwang binubuo ng sapád na katad na may mahabàng talì sa magkabilâng tainga at pinaiikot nang mabilis bago pawalan ang isang talì, gaya ng ginamit ni David nang patayin si Goliat
sa•lú•bong 1: pagkilos upang tanggapin ang panauhin 2: pagtatagpô1 3: sinumang tagatanggap ng panauhin
Sa•lú•bong : pagtatanghal tu-wing Linggo ng Pagkabuhay na nagta-tampok sa pagtatagpo ng estatwa ni Kristo at ni Birhen Maria
sa•lub•sób 1: maliit na piraso, gaya ng kahoy na napilas o nahiwalay sa pinakaka-tawan 2: munting sugat na bunga nitó