sa•pák 1: tunog na nalilikha kapag kumakain 2: suntók 3: dahong malalaki at malalapad na ginagamit na pambubong ng bahay
sá•pa•ká•tan : lihim na balak ng dalawang tao o mahigit na tao upang lihim na gumawâ ng isang bagay, karaniwang labag sa batas
sá•pal 1: labí ng kinudkod na niyog matapos makatas ang gata 2: ang wala nang katas at lasang natitirá sa pagkain pagkatapos na manguya at masipsip nang mabuti 3: paghamak sa kapuwa 4: ang pagpapalagay na walang káya o tálo sa anumang paligsahan 5: balát ng tambol 6: tangkay ng isang buwig ng saging
sa•pa•là : hindi maaaring mangyari o hindi maaaring totoo, karaniwang may di-, gaya sa di-sapalà kayâ kabaligtaran ang ibig sabihin
sá•pa•la•rán : pagsuong o pagharap sa anu-mang panganib o anumang gawain nang hindi iniintindi ang kahihinatnan ng sarili