sa•pát 1: balát na gamit sa pagkukulay ng itim 2: pagretoke ng kulay kung hindi na ito maganda 3: pagbababad sa himaymay upang kulayan ito ng bughaw
sa•pa•tíl•ya 1: tsinelas na pambabae na may mataas na takong 2: pitsa ng grípo o bómba ng tubig, karaniwang gawâ sa goma
sa•pá•tos : panlabas na proteksiyón ng paa ng tao, karaniwang gawâ sa katad at may matigas na suwelas
sá•paw 1: unang bunga ng punongkahoy 2: maagang pamumunga 3: unang sibol ng mga butil ng palay 4: paglitaw ng sakít sa balát 5: ápaw2 6: bangkang papunta sa laot 7: pagkalat ng tubig hanggang sa daanan at matakpan ang lupa 8: paglalagay ng mga bagay sa ibabaw ng iba 9: bubong ng kama o ng kulambo