terpene (ter•pín) : anu-man sa uri ng monocyclic hydrocar-bon na may pormulang C10H16 at mula sa mga haláman.
terrarium (te•rár•yum) 1: vivarium para sa maliliit na pan-lupang hayop 2: selyado at naaani-nag na globo na naglalamán ng mga tumutubòng haláman
terrestrial (te•res•tri•yal) 1: nauukol sa lupa o mundo 2: a kaugnay sa tuyông lupa b Zoo nananáhan sa, o sa ilalim ng lupa c Bot nabubúhay sa lupa 3: sa planeta, katulad ng lakí at kompo-sisyon o kayarian ng planetang Lupa 4: makalupà.
ter•si•yá•han : mapang-abusong sistema ng pag-papautang na nagpapataw ng 33 porsiyentong interes ang maylupa sa inutang ng magsasaká.
ter•si•yár•yo 1: pangatlo sa ayos, hanay, o ranggo, ter•si•yár•yo kung babae 2: sa malaking titik, nauukol sa u-nang panahong Cenozoic
tér•ter 1: ibon (Ortho-tomus sreceus nuntius) na karani-wang kulisap ang kinakain, at naninira-han sa bakawan o gilid ng dalampasigan 2: paták.
tertiary education (tér•sya•rí e•dyu• kéy•syon) : edukasyon sa isang kolehiyo o unibersidad na kasunod ng sekundaryang edukas-yon.
ter•túl•ya : munting pagtitipon ng mga maginoo at mariwasa upang magkuwentuhan at mag-aliw hábang nagmemeryen-da pagkatapos ng orasyon.