- té•rakpng | [ Kap ]:sayáw1
- té•ra•kó•tapng | [ Ita terra cotta ]1:matigas, nilutong luad, na kulay ka-yumangging pulá kapag hindi binarnisan; karaniwang ginagamit sa pang-arkitekturang palamuti, pagpapalayok, at bílang sangkap sa paglililok2:anumang gawâ dito3:kayumangging dalandang kulay, gaya sa hindi barnisadong terakota.
- te•ra•pe•ú•ti•kápng | [ Esp terapeu-tica ]:sangay ng medisina, kaugnay ng panggagamot sa sakít at paraan ng pagbibigay ng lunas
- té•ra•pí•yapng | Med | [ Esp terapia ]1:panggagamot sa pisikal at mental na suliranin at hindi gumagamit ng pagtistis2:a partikular na tipo ng gayong panggagamot b sikoterapiya
- te•rap•lénpng | [ Esp ]:dike, tambak, o katulad na pampigil sa tubig, o pansuporta sa matarik na gilid ng kalsada.
- te•rá•sapng | [ Esp terraza ]1:serye ng sapád na espasyong nabuo sa isang gulod at ginagamit sa pagtatanim2:espasyong sinemento o nilatagan ng bató sa labas ng bahay
- terbium (tér•bi•yúm)png | Kem | [ Ing ]:pinilakang metalikong element (atomic number 65, symbol Tb).
- tercet (tér•set)png | Lit | [ Ing ]:sa sining ng pagtula, set o pangkat ng tatlong linyang nagtutugma
- tercio de policia (tér•syo de po•lís•ya)png | Pol | [ Esp ]:mga pulis na nakatala-ga sa mga lalawigan.
- terephthalate (té•ref•tál•eyt)png | Kem | [ Ing ]:isang salt o ester ng terephthalic acid.
- terephthalic acid (té•ref•tá•lik á•sid)png | Kem | [ Ing ]:putî, kristalina, at solidong hindi natutunaw sa tubig, C8H6O2, pangunahing ginagamit sa paggawâ ng mga resina at mga hibla ng tela.
- Te•res•yá•napng | [ Esp teresiana ]:or-den o kasapi ng institusyong nagdedebosyon kay Santa Teresa de Jesus, Te•res•yá•no kung laláki.
- te•rí•blepnr | [ Esp terrible ]:nakata-takot; nakasisindak.
- té•ri•tór•yopng | [ Esp territorio ]1:saklaw na lupain sa ilalim ng isang namumunò, estado, lungsod, at iba pa2:or-ganisadong paghahati ng isang bansa
- te•ri•yá•kipng | [ Jap ]:putaheng gawâ sa karne o isdang ibinabad sa toyo at iniihaw.