- tí•kaspng1:paraan ng pagdadalá ng sarili2:[Bag Gui] angklet na gawâ sa manipis na ba-ging3:halámang ugat (Canna indica) na may risomang ginagamit na pampaihi at pampabawa sa balinguyngoy.
- tí•kas•tí•kaspng | Bot | [ ST ]:yerba, na ang prutas ay ginagawâng rosaryo.
- ti•ka•tíkpnr1:hinggil sa ulan na mahinà ngunit tuloy-tuloy2:ganitong paraan ng paggawâ.
- ti•ka•yàpnr | Med:dahan-dahang gumalíng mula sa sakít o karam-daman
- tik•bá•langpng | Mit | [ ST ]:nilaláng na anyong tao ang katawan at mga kamay ngunit may mahahabàng binti at hita na kahawig ng sa kabayo
- tik•bá•waypng | Lit Mus | [ Ilk ]:kantáng paulit-ulit hábang nagbabayo ng palay.
- tik•bípng | Zoo:uri ng flowerpecker (Dicaeum trigonostigma) na itim o abuhin ang pang-itaas na bahagi at dilaw o dalandan ang pang-ibabâng bahagi ng katawan.
- tik•dópng | [ Kap ]:tayô1
- ti•kélpng | [ Pan ]:sakál1
- tí•ketpng | [ Ing ticket ]1:limbag na piraso ng papel o kard na nagpa-pahintulot sa pagpasok, pagbahagi, paglalakbay sa pamamagitan ng sasakyan, at paggamit ng publikong pasilidad2:opisyal na paunawa sa paglabag ng batas trapiko, at katulad
- tik•hôpng | Med:ubo ng isang may sakít na tisis.
- ti•kímpng1:pagtiyak ng lasa ng anumang pagkain2:pagsubok sa gawain
- ti•kínpng1:mahabàng kawayan o anumang katulad na ginagamit sa pagbubunsod ng bangka mula sa mababaw na bahagi ng tubigan2:maha-bàng kahoy na panungkit ng prutas
- ti•kíspnr:sadyâ1 o sinadyâ.
- ti•kís-ti•kíspng | Bot | [ ST ]:punongka-hoy na katulad ng punò ng oliba.